MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa anumang krimen, pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na huwag i-post sa social media ang kanilang travel plans o mga aktibidad ngayong Bagong Taon.
Sinabi ni PNP Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., karaniwang nagbabantay ang mga kriminal sa mga impormasyon ng potensyal nitong biktima.
Ayon kay Nartatez, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga barangay, para maprotektahan ang mga komunidad laban sa mga krimeng maaaring maiwasan.
Kasabay nito, nagpaabot din ng kaparehong babala ang National Bureau of Investigation (NBI), na humihikayat sa publiko na maging maingat sa kanilang mga pakikipag-ugnayan sa social media.
Bagamat ginagawa ng PNP ang kanilang responsibilidad, umapela si Nartatez na gawin ng publiko ang kanilang partisipasyon para na rin sa kanilang kapakanan.
Pinayuhan din nito ang mamamayan na huwag makipag-ugnayan sa mga hindi kilalang account.
Tiniyak naman ni Nartatez sa publiko na mananatiling naka-heightened alert ang mga pulis sa buong bansa at magpapatuloy ang PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para maiwasan ang mga nakawan at iba pang kriminal na gawain sa panahon ng bakasyon.
No Comments Yet...