MANILA, Philippines — Maaring manatili sa pagitan ng 1.2 at 2 percent ang inflation ngayong Disyembre.
Ito ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay maaring epekto ng mga nagdaang bagyo na tumama kamakailan sa bansa at ang malakas na demand ngayong holiday season.
Base sa pagtaya ng BSP, may posibilidad na mas mataas ang pagsirit ng presyo ng bilihin ngayong buwan kumpara sa 1.5 percent noong Nobyembre.
Gayunman, sinabi ng BSP na ipinakita rin nito na malamang na nanatiling mababa o kontrolado ang inflation.
“Upward price pressures may come from increased prices of major food items due to the lingering effects of adverse weather and strong holiday demand, as well as higher LPG and gasoline prices.These pressures could be partly offset by lower electricity prices in Meralco-serviced areas and declining kerosene and diesel prices,” dagdag ng BSP.
No Comments Yet...